These materials may be updated to align with the latest CDC guidance about COVID-19 vaccines. Learn about the new guidance.

Mga Text Message para Hikayatin ang Pagkuha ng Updated na Bakuna

Gamitin ang mga aktwal na text message na ito o bilang inspirasyon para sa sarili mong mga mensahe para hikayatin ang mga komunidad na iyong pinaglilingkuranang na kunin ang kanilang updated na bakuna. 

1 Alam mo ba? Available na ang mga updated na bakuna sa COVID para sa lahat ng 5+ taong gulang upang tumulong sa proteksyon laban sa Omicron. Kunin ang iyong updated na bakuna kung 2 buwan na ang nakalipas mula noong huli mong dosis. I-text ang iyong ZIP code sa 438829 o bumisita sa vaccines.gov para maghanap ng libreng mga bakunang malapit sa iyo. 
2 Oras na para i-update ang iyong proteksyon sa pagbabakuna sa COVID! Available na ang mga updated na bakuna na pang proteksyon laban sa Omicron para sa mga nabakunahang 5+ taong gulang. Kunin ang iyong updated na bakuna kung 2 buwan na ang nakalipas mula noong huli mong dosis. I-text ang iyong ZIP code sa 438829 o bumisita sa vaccines.gov para maghanap ng libreng mga bakunang malapit sa iyo. 
3 Nakakuha ka na ba ng isa o dalawang COVID vaccine booster? Dapat ka pa ring makakuha ng updated na bakuna kung 2 buwan na ang nakalipas mula noong huli mong dosis, upang makatulong na maprotektahan ka laban sa Omicron. I-text ang iyong ZIP code sa 438829 o bumisita sa vaccines.gov para maghanap ng libreng mga bakunang malapit sa iyo. 
4 Anuman ang bakuna sa COVID o kung gaano karaming mga booster ang nakuha mo, lahat ng 5+ taong gulang ay maaaring makakuha ng updated na bakuna kung 2 buwan na ang nakalipas mula noong huli dosis, upang makatulong na maprotektahan ka laban sa Omicron. I-text ang iyong ZIP code sa 438829 o bumisita sa vaccines.gov para maghanap ng libreng mga bakunang malapit sa iyo.